Friday, December 31, 2010

Huli

Huling araw na ng 2010 at masayang masaya ako sapagkat sa taong ito ipinanganak ang pinakamasarap na blog para sa 'sangkabaklaan. Marami sa inyo ang nakitikim at nakisawsaw sa linamnam na idinulot ko at hindi kayang tumbasan ng kahit anong salita ang nararamdaman kong ligaya dahil sa suportang isinahog niyo.

Bilang pagsalubong sa 2011, hayaan niyong ihanda ko ang sampu sa pinaka-tinikmang putahe ko ngayong taon.

The top 10 most viewed posts of Todo sa Bongga for 2010:
Ipagpapatuloy natin ang paghahasik ng sarap sa susunod na taon at sa mga darating pa.

MANIGONG BAGONG TAON SA ATING LAHAT MGA 'TEH! ☺

Thursday, December 30, 2010

Panaginip 2.0

"Pwede bang tantanan mo na 'ko? Hindi kita type at kailanman ay hindi kita magugustuhan. Tigil-tigilan mo na ang pangungulit sa akin noh! What? You can't live without me? HELLO! Have you seen your face in the mirror? Anlayo kaya ng agwat natin. Hindi bagay ang hilatsa ng mukha mo sa BYUTI ko. I look like a princess and you're just a... ah... ah... ahh delicious slave. Eeeeiiiii..."

Wednesday, December 29, 2010

Tapos

Bago mag-farewell ang 2010, natapos kong basahin ang librong Dear Migs: Letters to Manila Gay Guy. Mahigit isang buwan ko din itong binasa ng paputol-putol. Hindi naging kainip-inip ang biyahe ko tuwina papasok ng trabaho dahil sa MRT ko binasa ang kabuuan nito.

Todong na-enjoy ko ang pagbabasa ng mga liham kay Migs pati na rin ang samu't saring opinyones de peninsula ng ating mga shupatemba. Dito ko napatunayan na iba-iba talaga tayo ng perspektibo sa buhay kabaklaan.

Tatlong liham ang tumatak sa aking isipan dahil sa bonggang istorya na kanilang ibinahagi:

  • My husband has a rich gay lover
  • Activists falls in love with NPA warrior
  • Straight-acting, straight-catching
Wish ko lang na magkaroon ng book 2 ito. As in... AGAD AGAD!

Mega Melai

Power-up to the MAXIMUM level ang ganda ni Melai Cantiveros para sa January 2011 issue ng Mega Magazine. Bonggang bongga ang arrive at look niya sa cover with matching effortless facial expression na pang-alta de society ang dating.

I'm sooo proud of you Melai! Sige at ibandera mo sa kanila kung ano talaga ang tunay na gandang kakaiba at nakamamangha.

Monday, December 27, 2010

Warning

Habang ang karamihan sa atin ay nasa bakasyon pa, ako naman ay may pasok na. At habang naglalakad ako kanina papuntang opisina, isang babala ang aking nabasa...


WaAkoMaSey.

Sunday, December 26, 2010

Haba

Ano kaya ang mahaba sa pelikulang ito?

Nagsimula ang istorya sa kahirapan ng buhay ni Chamyto Aguedan. Sagot niya ang pagpapa-aral sa kanyang mga kapatid at may karamdaman naman kanyang ina. Nagtatrabaho siya bilang accounting staff(?) sa isang kumpanya. Dito ay ka-officemate niya si Jeff Luna (sarap!) na panay ang pang-aakit sa kanya.

Jeoffrey and Chamyto

Sa kabilang istorya naman (kabilang istorya talaga!?!), neglected ang karakter ni Jeoffrey Javier. Galit(?) ang tatay niya sa kanya at kakabreak lang nila ng pokpok niyang jowa. Depressing di vaahhh?


The fight scene

Gora ang byuti ni Chamyto kasama ang kanyang beki friends sa Cavite para gumimik. Solo flight ang lola natin sa bonggang pagrampage at dito niya nakilala si Jeoffrey. Chika-chika muna sa una bago itinuloy sa todong bakbakan. Mala-Lito Lapid sa tindi ng aksyon. Echos!


Pagkatapos kong mapanood ang pelikula, naka-relate ako sa title nito...

Ang haba kasi ng ininip ko.

*Photos courtesy of Arem's Facebook.

Saturday, December 25, 2010

Cheers

Dear Jesus,


HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!!

Secret ba ang age mo? Ba't wala man lang ni-isa sa amin ang nakakaalam? Charot lang! Hindi na mahalaga 'yon. Ang importante, mahal ka namin at mahal mo kami.

Para sa'yo ang araw na ito kaya cheers tayo!

Nagmamasarap,

Bb. Melanie

Friday, December 24, 2010

Simple po

Dear Santa,

Meri Krismas po! Kumusta na po kayo po? Parang hindi po nagbabago ang edad niyo po ah. Gumagamit po ba kayo ng Olay po? Sana po ay hindi po kayo masyadong busy ngayon po. Si Rudolph nga po pala, nangangamatis pa rin po ba ang ilong po?

Oo nga po pala, may wish po ako sa araw na ito po. Siya po...


Naging mabait na bata naman po ako ngayong taon po kaya't nawa'y dinggin niyo po ang aking simpleng kahilingan po. Okay lang po kahit hindi niyo na po siya ibalot po (mas maganda po kung wala ring damit po... ECHOS lang po!).

Nagmamasarap po,

Bb. Melanie po

Thursday, December 23, 2010

Kape

May exchange gift sa office.

Dapat worth 300 pesos.

May option na mag-post ng wish sa cork board.

Original DVD ng pelikulang Bona ni Nora Aunor ang hiniling ko.

Eto ang natanggap ko...


Mukha ba akong hindi kinakabahan at kailangan kong mag-kape?

Anyways, thank you sa nagregalo (kung sino ka man).

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT! ☺

Minsa'y Isang Gamu-Gamo

Muli na naman akong napabilib ni Ate Guy sa isa niyang klasikong obra maestra... ang Minsa'y Isang Gamu-Gamo.

Tinalakay sa pelikula kung paano sambahin at paghirapan noon ng mga Pilipino ang makarating sa bansang Amerika. Marami ang nangangarap ngunit iilan lamang ang nabigyan ng pagkakataon. At isa si Corazon (Nora Aunor) sa mga sinuwerte. Ngunit sa mismong araw ng kanyang pag-alis, namatay ang kanyang nakababatang kapatid dahil sa pagbaril ng isang sundalong Amerikano.

"My brother is not a pig. MY BROTHER IS NOT A PIG! Ang kapatid ko'y tao, hindi baboy damo. HINDI SIYA BABOY DAMO! Ang kapatid ko'y tao hindi baboy damo. Hindi baboy damo ang kapatid ko."

Saludo ako sa bumuo ng pelikulang ito. Walang kapantay ang galing ng mga artistang sumambit ng mga linyang may kurot sa puso. Eto yung tipo ng pelikulang ayaw mong kumurap o mag-CR man lang dahil lahat ng eksena ay kaabang-abang. Isa sa matatapang na eksena ang pagbaboy at pagpapahiya ni Luz Fernandez sa karakter ni Perla Bautista.

Nahihiwagaan ako kung bakit ang ganitong klaseng pelikula na may kinalaman sa ating kasaysayan ay wala na sa panahon ngayon. Hindi lang naman puro katatawanan at lab istori ang mahalaga kundi pati na rin ang nakaraan. Mabuti na lamang at may nalalabi pang kopya ang iilan sa mga ito at maari nating balik-balikan.

Wednesday, December 22, 2010

Christmas Gift

Chakaness ang simula ng araw na itey. Ang adik kong landlady, ala-siete pa lang ng umaga, bonggang nagpapatugtog na ng Billionaire, Dilemma at samu't saring R&B songs. Mabuti sana kung siya lang ang nakakarinig eh. Tinodo ba naman ang volume ng woofer para buong sambayanan ang makarinig ng peyborit songs niya. Hindi man lang isina-alang alang ang mga tulog pang tenants at kapitbahay niya. Bingi na yata sa kaka-droga ang fotah! Ayan tuloy, wala pang limang oras ang byuti rest ko. At dahil bitin ang borlogs ketch, malamig pa ang panahon sa ulo ko. Nadamay tuloy pati yung nagpapaabot ng pamasung sa jeep. Hay...

Buti na lang at maaga-aga akong nakasakay ng MRT sa North EDSA station. Again, kinalimutan ko muna panandalian ang pagiging sirena para naman maka-upo ako sa dami ng taong nagaantay. May nauna sa peyborit kong pwesto kaya sa tapat na lang nito ako umupo.

Habang inaantay kong umandar ang tren, inilabas ko muna ang Dear Migs sa aking bagelya at binasa. Pero hindi ko ma-absorb ang mga letra dahil hot-headed pa rin aketch. Ipinasok ko na lang ulit sa bag ang libro.

Umandar na ang tren.

Quezon Avenue station.

GMA-Kamuning station.

Syet!

SYET NA SYET!

After ilang months na hindi ko siya nakita, nakasabay ko na siya ulit. YES! Ang lalaki sa MRT na ubod ng sarap! Malas lang dahil nakatalikod siya sa akin. Kung bakit naman kasi naunahan ako sa pwesto ko eh (WOW! Pagmamay-ari ko? Nakapangalan ba sa akin ang upuang 'yon?). Ang pangit tuloy ng view ko. Anyways, nagkasya na lang ako sa kapirasong langit na hatid ng kanyang likuran.

Ang swerte ni kuyang may dalang payong

May mga tao nang nakatayo sa tren pero hindi pa naman siksikan. Isang mama na may karay-karay na tatlong maliliit na anak ang sumakay sa Cubao station.

"Dito na kayo" litanya ko.

Umupo ang dalawang bata sa pwesto ko. At ano pa nga ba ang ginawa ko kundi tumayo at pumwesto sa tabi ng dreamboy ko. YES! Destiny ito. Hindi coincidence. Itinadhana ng kapalaran na ito'y maganap ngayon. Hindi pinabayaan ni Inang Dyosa na mabadtrip ako buong araw. Isang maagang Christmas gift ang hatid niya para sa akin. Isang pagkasarap-sarap na regalo.

Haaay Mr. Dreamboy... mahal na talaga kita ☺

Try mong pakinggan ang puso ko

At siyempre pa, nagamit kong muli ang mga natutunan ko sa akting workshop ng Star Magic (charot!). Pang-Golden Globes ang drama ko para hindi mahuling kinukunan ko siya ng souvenir program.


Bumaba siya ng Buendia station at ako... dinala niya ako sa alapaap. Ang sarap.

Tuesday, December 21, 2010

Lumpia

WAAAAHHHH!!!

Nasa Greenbelt ngayon si Darren Criss at nagpe-perform. Gusto kong pumunta kaya lang nasa trabaho ako. Huhuhu :'(

May isa pa siyang performance sa TriNoMa bukas pero witchells ko pa ring masa-sight ang kafogian niya dahil may josok akekels. Huhuhu :'(

Buti pa ang lumpia, natikman niya. Ako, hinde...

Tulay

Where on Earth...

is Sabrina M?

Do you still remember her?


Kasagsagan ni Rosanna Roces bilang TF Queen nang siya ay umentra sa showbiz. Una niyang pelikula ang Karanasan: The Claudia Zobel Story na sumemplang sa takilya. As far as I can remember, kasabay na pinalabas nito ang isang pelikula ni Osang at 'yon ang mas pinilahan. Pero hindi diyan nahinto ang paggawa niya ng sexy films. Nasundan ito ng iba pang pelikula tulad ng Ma'am Turuan Mo Ako, Totoy Mola, Dalawang Eba sa Paraiso ni Adan, Laging Sariwa Ang Sugat, Divino: Anak ni Totoy Mola at marami pang iba.

Poster of her first movie

Kontrobersyal ang away na namagitan sa kanila ni Hazel Espinosa. Todong siraan live on TV ang eksena ng dalawa. If my memory serves me right (naks! English yan), sinabihan ni Sabrina si Hazel ng baku-bako ang fes nito. Bilang ganti, sinabihan naman siyang pustiso ang penpen.

Ang huling tsismis na nasagap ko about her ay nakatira na daw ito sa ilalim ng tulay at tuluyang nang naghirap. Sa dinami-dami ng movie projects niya nung 90's, wala man lang siyang bonggang naipundar.

Saan na kaya siya ngayon?

Monday, December 20, 2010

Panaginip

"Oh! Bakit ka naman nakasimangot? Ano? Nagtatampo ka? Ikaw naman, hindi porke hindi na kita bina-blog eh limot na kita. Siyempre, mahalaga ka pa rin sa akin. Pero kailangan kong lumayo sa'yo para na rin sa kabutihan ko. Sa sobrang kagwapuhan mo kasi, halos mawala ako sa ulirat eh. Pero okay na ako ngayon. Pwede na ulit tayong maging fwends."

"You surprise me! Hindi ka man lang nagpasabi na susunduin mo 'ko. Alam mo siguro na wala akong dalang payong nooohhh? Ayaw mo akong mabasa ng ulan kasi baka magkasakit ako. Eeeiiihhh... You're so swit. Soper swit."

Ang TriNoMa, LRT 1 at MMDA

Siksikan ang mga tao sa lansangan ngayon. Parang halos lahat naghahabol sa pamimili ng ihahanda sa Pasko at ipangre-regalo. Panaka-naka naman ang pagbuhos ng ulan pero keri lang. At least hindi maalinsangan ang panahon.

Habang ako'y sakay ng jeep papuntang TriNoMa, nakasabay ko itong si lola. Anong sey niyo mga teh? Di ba't fun and exciting ang look niya. Sa totoo lang, hanga ako sa mga tulad niya. Despite her age, marunong siyang mag-ayos at gumet-up ng tama. 'Yung iba kasi nating grannies, pinababayaan na ang sarili kapag thunder cats na. Hindi dapat ganun. Kahit wala na sa lotto ticket ang numero ng edad natin, alagaan ang ating sarili at panatilihing bongga and vibrant. Ibang usapan na nga lang kapag ang fashion icon mo eh si Madame Auring. ☺

 
Mahigit isang oras akong nag-antay ng masasakyang tren sa LRT 1 nitong nakaraang weekend. Maluwang pa ang lata ng sardinas kumpara sa dami ng tao. Waiting in vain ang drama ko sa kaka-antay ng spacious na tren na hindi naman nangyari. Magsasara na yung station, hindi pa ako nakakasakay! Pa-demure pa kasi ako eh. Kaya kinalimutan ko munang ako'y isang sirena at todong nakipag-gitgitan sa mga utaw. Deadma kung naapakan ko sila. Kelangan ko nang umuwi noh!

Pero bago ako sumakay, piniktyuran ko muna pagkadami-daming regalo ng mamamayang Pilipino para sa MMDA. Take a look...

Sunday, December 19, 2010

Ang suspek at ang kalabaw

Balik movie marathon ang byuti ko ngayon matapos ang stressful shopping sa mga tiangge. Aba! Kailangang mag-relak para freshness ang aura kapag nakita ako ang mga inaanak ko noh! Baka i-deny nilang fairy godmother nila aketch dahil sa hulas at haggard kong look.

Una kong pinanood ang Phoenix na imported pa from the US of A. Shala-shalahan ang taste ko mga shupatemba.

"It does hurt when... when you love someone and they don't love you back"
---Dylan Wells

Eto ang istorya, magkarelasyon sina Dylan at Ken at isine-celebrate nila ang birthday ng una pero kailangan ng huli na umalis agad dahil sa trabaho. Dahil lulong sa pagmamahal, sinundan ni Dylan si Ken pero iba ang natagpuan niya. Ang long time partner ng kanyang jowa na si Demetrius. Bongga ang name di vaaahhh!?!

Nalaman nilang dalawa na jowa sila ni Ken. Nalungkot ang mga lolo niyo. Nais nilang malaman kung bakit sila niloko pero missing in action ang suspek. At dahil parehong tuliro at sad sa sitwasyon, naisipan nilang tikman ang isa't isa. Yun oh! Sila naman ang nagtaksil kay Ken. Quits lang.

Imbes na masiyahan ako, na-sad ang byuti ko sa ending ng Phoenix. At para hindi mababad sa kalungkutan, isinalang ko kaagad ang ikalawang pelikula. Feeling ko, maraming nasayang na neurons, protons and ions sa pag-iisip ng pamagat nito...

"Baka sa isang linggo makakakilos na ako... matutulungan ko na kayong magbungkal ng lupa" ---Andoy

Sina Elena (Lorraine Lopez) at Andoy (Paolo Rivero) ay mag-esposo na naninirahan sa gitna ng bukid. May payak na pamumuhay at simpleng pangarap. Isang araw, dumating si Steve (Jeff Luna) na hinang-hina. Tinulungan siya ng mag-asawa matapos nitong mag-kolap sa harapan ng bahay nila.

Naaksidente si Andoy at walang makakatulong sa bukirin. Humingi siya ng tulong kay Steve. Ito muna ang magbubungkal ng lupa habang siya ay nagpapagaling. Hindi niya akalain na pati misis niya eh bubungkalin nito. At ang todong SHOCKING sa lahat, nagpabungkal din siya dito. Kaya naman pala Araro ang titulo nito... ang mag-asawa ang lupa at si Steve ang kalabaw na aararo sa kanila. NAKAKALOKA!!!

Friday, December 17, 2010

Tulog

Hatinggabi at oras na upang ipahinga ang ating katawan mula sa mahabang araw ng pagbabanat ng buto o paglalamyerda sa mall. Nakasanayan ng karamihan sa atin na bago humiga sa kama ay iinom muna ng mainit na gatas o tsokolate para sa mas mahimbing at malalim na pagtulog. 'Yan eh kung sa baso mo 'to iinumin. Paano kung ang gatas at tsokolate ay dito nakalagay...

Tarik Kaljanac
Alexis Fabregas
Makakatulog ka pa ba?

*Photos courtesy of Missosology and JR Sala.

Thursday, December 16, 2010

Kontesera

January 2009 nang panoorin ko together with my friend Aly ang The 'Thank You' Girls sa Robinson's Galleria. Mangilan-ngilan pa lang ang gay indie flicks during that time kaya naman tuwing may bago, todo abang ako kung kelan ipapalabas.

Kung ilalarawan ko sa isang salita ang pelikulang ito, "malinis" ang sasabihin ko. Malinis in the sense na hindi binaboy at inabuso ang buhay bakla. Hindi tulad ng ibang gay indie films na puro seks at karahasan ang tema, buhay ng pagiging kontesera ang tinalakay dito.

May subtitle ito dahil Visayan dialect ang pangunahing wika na ginamit ng mga karakter. Wala halos sikat na artistang gumanap pero hindi ka naman mabibigo sa kanilang performance dahil bonggaycious ang aktingan nila.

Click here to visit the official website of The 'Thank You' Girls.

Wednesday, December 15, 2010

Bata

May bagong kinahuhumalingan ngayon ang 'sangkabaklaan... ang matipuno, makisig at sariwang si Joseph Marco.

Dati siyang talent ng Kapuso network bago nangibang bakod sa ABS-CBN. Naging modelo muna si kuya bago nagpasyang pasukin ang magulo at masarap na mundo ng showbiz. Sana ako rin pasukin niya. CHAROT!!!

Si Sabel noong 1981
Ang bagong Sabel
Isa siya sa dalawang leading men ni Jessy Mendiola sa teleseryeng "Sabel". Hango ito sa pelikulang "Bata pa si Sabel" ni titah Snooky Serna. Seksi-seksihan ang tema pero pwede pa ring panoorin ng mga bata basta may katabi silang magulang.

Eeeiii... Wag mo nga akong ningingitian ng ganyan
Ang Pandesal... BOW!
Bata pa si Joseph sa showbiz at tingnan natin kung uusbong ng todo ang kanyang career. May talent naman siya at may looks na artistahin so baka may future siya. Antayin na lang natin ang kanyang pagkahinog.

Tuesday, December 14, 2010

Remake

One of my sweetest childhood memories ang panonood ng mga Mexican Telenovelas sa RPN 9. At sino pa ba ang reyna ng mga 'yan kundi si Thalia.

Siya na yata ang kauna-unahang mujer na inidolo ko sa TV. Maagang natapos ang pagkahilig ko kay Sailor Moon dahil kay MariMar. Todong sumikat ang telenovelang ito nung grade 4 ako. Tigil sa pag-ikot ang mundo ng mga Pilipino kapag nagsimula nang magsasasayaw sa dalampasigan ang loka tapos aahon sa dagat with matching tinahing kabibe sa kanyang dibdib. Halos lahat nakatutok sa pag-iibigan nila ni Sergio Santibañez. Grade 5 na ako ng magtapos ang istorya nito.

Pero hindi diyan natapos ang pagkahumaling ng mga Pinoy kay Thalia dahil agad itong nasundan ng isa pa niyang bonggang drama, ang Maria La Del Barrio. Ito ang pinaka-paborito ko sa lahat ng telenovela niya. Mula sa theme song na talagang iindak left to right balakang mo, ang istoryang may pagka-Cinderella ang dating at ang pinaka-gwapong leading man niya... si Fernando Colunga as Luis Fernando.

Kahit bubot na bubot pa lang ako noong mga panahong 'yon, talagang inaabangan ko na ang mga eksenang naka-half naked lang siya. Malinaw na malinaw pa sa balintataw ko ang eksenang naka-trunks siya sa tabi ng swimming pool at nagpapa-araw. Juice ko 'day! Doon na yata ako nilukuban ng binabaeng kaluluwa.

At hindi kumpleto ang istorya kung walang kontrabida, si Soraya Montenegro. Pangalan pa lang, kasindak sindak na. Ang babaeng sa sobrang itim ng budhi, kahit nalaglag na sa building eh buhay pa rin.

Isa sa mga future projects ng Kapamilya network sa 2011 ang remake ng telenovelang ito. Happy ako't si Erich Gonzales ang napiling gumanap bilang Maria. Ang kanyang ka-loveteam naman si Enchong Dee naman ang napili para maging Pinoy Luis Fernando. Hhhmmm... Hhhmmm... Hindi na ako mag-oopinyon about kay Enchong. Alam niyo na siguro mga 'teh kung bakit. Hihihi...

Basta aabangan ko next year ang...
 

♫♪ YA MUNCHA HONRA! Maria La Del Barrio soy ♪♫

Sunday, December 12, 2010

Hamonado

Kung sino man ang may ari ng mga kamay na yan...

ANG SWERTI SWERTI MO!!!


Hindi pa man Pasko, bonggang naka-Noche Buena ka na diyan sa pwesto mong yan kay Richard Pangilinan. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka hindi ako makapagtimpi at BOOM! todong sinalat ko na ang hamonado. Yun nga lang, baka sa kulungan ako damputin at may ga-platong black eye sa fez. ECHOS!!!

Thursday, December 9, 2010

Pamasko

Petsa: Gabi ng ika-4 ng Disyembre 2010

Lugar: Pangalawang palapag ng Landmark sa TriNoMa

Mga Karakter: Ms. Melanie, ang kahera at bagger

Eksena: Magbabayad ng biniling stockings.


4... 3... 2... 1... ACTION!

Kahera: Good evening!

Ms. Melanie: Good evening!

Inabot ni Ms. Melanie sa kahera ang stockings na bibilhin.

Binasa ng barcode scanner ang barcode sa packaging. Nine nine point seven five ang lumabas sa computer. Kumuha si Ms. Melanie ng ube halaya sa wallet.

Kahera: Ma'am, meron po kayong seventy five cents?

Kinalkal ni Ms. Melanie ang kanyang coin purse.

Ms. Melanie: Wala.

Pinunch ng kahera sa keyboard ang halagang inabot ni Ms. Melanie. One zero zero point zero zero sabay pindot ng enter. KACHING! Lumabas ang caha ng kayamanan.

Kahera: Ay wala po akong twenty five cents sir.

Tiningnan ni Ms. Melanie ang caha. Puro sampu at limang piso ang barya ng cashier.

Bagger: Pamasko niyo na lang sir.

Ms. Melanie: Hindi dapat ganyan. Dapat lagi kayong may tamang panukli sa mga namimili. Baliktarin natin ang sitwasyon: Kung ako ang bibili ng paninda niyo at kulang ang pera ko, pagbibilhan niyo ba ako?

Ngumiti ang kahera at bagger.

Ipinasok ng bagger sa fink na supot ang stockings sabay isteypler ng resibo.

Ms. Melanie: Sige, magpapasko naman. Pamasko ko na sa inyo.

Kinuha ni Ms. Melanie sa bagger ang binili at tumalikod na.

CUT!

Wednesday, December 8, 2010

Chanel

Todo na ang traffic sa kalsada ngayon. Kahit hindi rush hour, nakakabangenge ang haba ng pila ng mga sasakyang pautay-utay sa pag-andar. Heto na yata ang sinasabi nilang Christmas rush. Ang ibang kumpanya kasi, nag-release na ng 13th month pay at Christmas bonuses. Siyempre, saan ba masarap magwaldas ng kadatungan kundi sa mga malls na halos magka-kapitbahay lang sa daan.

Nagsisimula na ring dumagsa ang mga padalang pamasko ng ating mga kababayang OFW para sa kanilang pamilya. Imported na sabon, lotion, pabango at ang hindi mawawala... tsokolate.

Siyempre, hindi naman puro ligaya ang hatid ng buwang ito. Bukod sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ito rin ang buwan kung saan sandamakmak ang masasamang loob.

Sinugod ng tatlong lalaking nakasakay sa isang motor ang officemate kong si Steph kaninang 4:30 ng madaling araw. Nangyari ito habang siya'y naglalakad sa Rufino Street papuntang Ayala Avenue. Bumaba ng motor ang isa sa mga sakay at tinutukan siya sa dibdib ng pagkahaba-habang patalim. Siyempre, shock na shock ang lola natin. Dali-dali niyang ibinigay ang kanyang Chanel-chanelang bagelya na may lamang wallet, cards at barely 4-day-old pink Nokia C3. Nanghihinayang man siya sa mga materyal na bagay na nakuha sa kanya, nagpapasalamat pa rin siya at buhay siya.

Kaya mga ateh, if ever man na malagay kayo sa sitwasyong ganitey, wag nang magdalawang isip nai-givesung ang gusto ng mga kawatan. Ang mga taong halang ang bituka, kayang gawin ang lahat kahit pa kitlin ang sarap natin. Isipin niyo na lang, mas mahal ang kabaong kesa sa kung anong bonggang gadgets na bitbit niyo. Iwasan nang manlaban lalo na kung kayo'y solo flight sa pagrampa at walang mahingan ng help. Huwag ding kaliligtaang mag-report kay mamang pulis para alam nila ang nangyari at upang maiwasan na ang ganitong insidente.

Doble ingat mga shupatid!